Lupa By Giru Mercado
Bakit kaya may mga taong gustong malaman ang mga tinatago mo buhay. Pilit ka nilang tatanugin pagkat nais nilang malaman ang gusto nilang malaman totoo man o hindi sa kanila. Pagnatanto na nila ang gusto nila, ipapamahagi pa nila sa iba ng wala kang kamukat-mukat, ang masakit pa nun tinuturing mo silang kaibigan. Bakit kaya?
Pilit ka nilang pipigain kahit wala naman silang mapapala. Nais lang nilang mapanunan ang pagkauhaw nila sa kaalaman tungkol sayo. Bakit kaya?
Inaalala ka nila. Inaalala ka ba nila pagkat mahirap tumangap o nagaalala sila kasi baka sumaya ka. Masaya ka para sa kanila kahit ganun sila pero tila di sila masaya para sayo. Magsasalita sila tungkol sayo kapag ikaw ay nakaharap sa kanluran. Bakit kaya?
Wala ka bang karapatan na magtago ng para sayo sapagkat alam mo sa sarili mo hindi ka pa handa para ito ay isiwalat. Wala ka bang karapatan na maging ikaw kahit minsan. Mali bang mag-iwan ka ng para sayo. Sila na bukod tangi sa lahat na inaasahan mong makakaintindi sayo sapagkat halos parehas kayo ng pagkatao sila pang unang sumaksak sayo. Hindi man lang inaantay na ikaw ay makabawi, hingin ang iyong panig. Bakit kaya?
Ang hirap lumaban pag alam ikaw ay nag-iisa. Na kahit ang taong inaasahang mong ipagtatangol ka ay ginilitin agad ang inyong adhikain, ang kahulugan ni Eros. Nag iisa ka pagkat bumuo na sila ng konsepto. Nilamatan na ang iyong pagkatao sa mata ng kaisipan ng mga taong nakapaligid sayo. Hindi mo alam ang gagawin sapagkat hindi ka makagalaw sa mga buhay na mga mata. Minamata na kung sino ka. Dungis na ang iyong imahe. Ahas ka daw kung manuklaw kahit ang ikinagat mo sa kanila iyong totoong nalalaman. Kay laki ng iyong pagkakamali, na sa sobrang laki hindi mo na alam kung saan ka nagkamali. Sa sobrang laki ng mundo hindi ka makahanap ng taong tutulong sayo na magtutuwid ng lahat. Sa ilalim kaya ng lupa, magkapanatagan ka kayang mapapala.

Comments
Post a Comment